Bulong (2011 Film)
Ang pelikulang ito ay tungkol sa isang lalaking malas sa pag-ibig.Ang pangalan niya ay Conan (Vhong Navarro). Lagi siyang sawi sa pag-diskarte sa kanyang minimithi na si Ellen (Bangs Garcia).Niisang beses ay sinubukan niyang halikan ang babaeng minamasdan niya lagi ngunit nabigo at napahiya dahil sa kinuhaan siya ng litrato ng mga tao. Lumipas ang ilang araw, nahuli niya ang kanyang amo na doctor (dahil nars si Conan) at si Ellen na naghahalikan kaya't naiisipan niya humingi ng payo sa kanyang pinsan niyang kuba na si Simon (Ruben Gonzaga). At pinayuhan ni Simon si Conan na humanap siya ng bangkay at bumulong siya rito, dahil matutupad raw ang mga hinihiling niya kapag ginawa niya ito. Ang unang subok niya ay sa isang lamay. Binulong niya sa bangkay ng isang bakla na sana
magiging patay na patay si Ellen sa kanya. Buntik na siyang mahuli ng kamag-anak ng bangkay at tinanong "Kakilala niyo ba siya?" at sinabi ni Conan na "Hindi, nag-double check lang ako kung patay na siya." At umalis na siya at ang kasama niya na si Simon. Kinabukasan, Linapitan niya ulit si Ellen at biglang hinalikan dahil akala niya umepek na ang kanyang bulong; ngunit sawi pa rin siya, napahiya ulit at sinampal ni Ellen at tumakbo. Pag balik niya sa kanilang panaderya, pinagalitan niya si Simon na peke ang sinabi niya at napahiya lamang si Conan.
At sabi ni Simon "Kailangan malakas kasi ang boses mo at kailangan presko ang bangkay". Hindi na muli nakinig si Conan sa payo ng kanyang pinsan kaya't naglasing siya at umuwi na ng hating gabi. Pauwi, may nakasabay si Conan na matandang babae na si Lola Paula (Angie Fero) , tinanong niya si Conan kung bakit ba siya umuwi ng ganitong oras at hindi lamang pinansin ni Conan kaya ipinagpatuloy ng matanda ang kanyang paglalakad. Ngunit ilang segundo lamang, biglang nabangga ang matanda at namatay. Tumakbo palapit si Conan at humingi ng tulong at biglang naalala niya ang payo ng kanyang pinsan kaya't ginawa niya ito. At kinabukasan, naging totoo nga ang kanyang hiling! Kaso, parang nasapian si Ellen kaya't tinigilan na ni Conan ang kanyang "paghihimagsikan" kay Ellen. Pero, 'di niya alam na may demonyo pala na muling nabuhay para patayin ang anak ng isang probinsyana na si Lala (Neri Naig).
At biglang lumabas ang demonyo upang matigil ang pagtanggal sa kulam ni Lola Paula. Pero sawi ang demonyo at nagtagumpay sa misyon sila Conan at Oprah. Malusog na muli si Lala pati na rin ang kanyang dinadala na anak. Pagkatapos ng mga nangyari, nag-pasya na si Conan na hindi na niya papakialaman si Ellen at nagsimula na sila ni Oprah mag-date. Nagkataon lamang na kumakain sina Oprah at Conan ng fishball ay biglang may nagpakita na kamukha ni Lola Paula na nag-wish rin sa nakitang "shooting star" nina Oprah at Conan kamakailan lamang. At nagsitakbuhan silang dalawa at sinabi ng matanda na hiling niya lamang raw ay makita niya ang bangkay ng kanyang kambal kaya't nagtaka ito bakit natakot sa kaniya ang magkasintahan.
Kuwento
Ang kuwentong ito ay hindi medyo nakakaiba sa mga nakakatakot na pelikula. Dahil kabilang ito sa mga pelikulang may halong komedya at pananakot. At ito ay isang pelikula na malinaw talaga at madali lang intindihan ang storya. Hindi masyado nakaw-tingin ang storya nito dahil pang-karaniwan lang ang kuwento nito. Ordinaryo lang din ito pero may halong saya at palatawa naman din ito.
Tema/Paksang Diwa
Lahat ng mga pelikula ay may tema, sali na ito sa kanila. Depende lang sa mga tao ang paniniwala ng mga tao sa isang hiwaga na mahirap paniwalaan. Meron pa, ang pagkakaibigan ay minsan rin magiging karelasyon mo dahil lahat ng mga tao ay nagbabago ng pakiramdam para sa isa't isa. Minsan rin, hindi rin natin alam kung anong magiging epekto sa ating sarili ang lahat ng mga pasya at kagagawan natin. At minsan rin, mas mabuti rin na bumitaw ka sa isang bagay dahil ikaw lamang ang masasaktan kung ikaw ay aasa pa. Dahil minsan, ang pagkapit ay mas masakit kaysa sa pagbitaw.
Pamagat
"Bulong"
Ito ang pamagat ng pelikulang ito. Marami ring pwedeng pamagat nito tulad ng "Paniniwala" ngunit ang "Bulong" ay ang pinaka-accurate na pamagat rito. Dahil sa mga ginawa ng bida. Pati rin sa mga mahihiwagang pangyayari tulad ng mga nangyari sa kanila. At dahil iyon ang mismong dahilan kung bakit nagkaproblema ang lalake dahil sa kanyang "obsession" at dahil madali lang siya maniwala.
Tauhan
Vhong Navarro - Conan (Mapaniwala, mabait, pasaway, lasinggero, medyo-badboy, at masiyahin)
Angelica Panganiban - Oprah (Maganda, mabait, matulungin, mapagmahal at mapaniwala sa kanyang tita)
Bangs Garcia - Ellen (Hot af, maganda, nasaniban, may relasyon sa kanyang amo)
Jon Avila - Dr. Randy (Karelasyon ni Ellen at amo ni Conan)
Eda Nolan - Fatima (Nagpasumpa kay Lala)
Ruben Gonzaga - Simon (Kuba, pinsan ni Conan, mapaniwala)
Neri Naig - Lala (Buntis, sinumpa, matigas ang ulo)
Teddy Corpuz - Donald (Manyak, Operator ng Morgue)
Sylvia Sanchez - Lili (Lola ni Lala)
Carl John Barrameda - Fatima's brother (Sumama kai Fatima para isumpa si Lala)
Joy Viado† - Aunt Tyra (Tita ni Oprah na manghuhula)
Angie Fero - Lola Paula ( Mangkukulam)
Diyalogo
Hindi ito angkop para sa mga bata. Dahil hindi maganda at para sa bat ang kanilang mga sinasabi. Pwede naman ito panoorin ng mga bata pero kailangan ng gabay at pahintulot ng mga magulang ito. Pero, maganda naman ang "flow" ng kanilang diyalogo. Hindi lang talaga angkop para sa mga bata dahil sa nilalaman nito.
Cinematography
Mahusay naman ang pagkakuha nito. Maganda ang pagputol-putol ng mga eksena. Pangit nga lang ang kalidad. Dahil hindi pa maganda ang megapixel ng kamera na ginamit nila dati. Maganda naman kuwento, kaso medyo malabo nga lang ang pagkuha sa mga eksena nito.
Aspektong Teknikal
Hindi masyado kaaya-aya ang graphics ng demonyo dahil hindi pa uso ang CGI sa panahong ito.Hindi rin kapanipaniwala ang boses nito. Pati na rin ang kanyang 4D Figure ay halata masyado. Kasi kung humawak siya ng tao ay halata na peke kahit sa pelikula lamang ito. Kaya't hindi masyado kapanipaniwalaan ito. At dahil mahina pa ang mga SFX at CGi ng Pilipnas.
No comments:
Post a Comment